Wednesday, September 14, 2005 

Luntian at Pula

by MrsPartyGirl



I answered this meme from a friend's site at my site. Naaliw lang ako sa pag-reminisce :D

Share ko ulit dito. Maybe you can share your answers, too :)

.:. ANO'NG STUDENT NUMBER MO?
92-10262

.:. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
Hindi ako pumasa sa Intarmed kaya nag-PolSci na lang ako :D

.:. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?
Binantayan ng nanay ko sa diyaryo.

.:. FIRST CHOICE MO BA ANG UP?
Hindi. First choice ng nanay ko ang UP. Buti na lang.

.:. ALAM MO BA ANG UPG SCORE MO?
Alam ko. Secret :D

.:. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
Intarmed, pwera biro. Sabi ko sa sarili ko, kapag hindi ako pumasa para maging doktor, magiging abugado ako.

.:. SECOND CHOICE?
BA Political Science. Pero hindi pa rin ako naging abugado, hehehe.

.:. ANO NAGING COURSE MO?
Yung second choice ko. Sa UP Manila pa rin.

.:. NAGPLANO KA BANG MAG-SHIFT?
Actually, gusto kong mag-shift sa Fine Arts. Not.

.:. NAKAPAG-DORM KA NA BA?
Hindi. Matiyaga ako mag-commute from Bulacan to Manila. Enjoy ako sa pakikipagsiksikan sa LRT.

.:. NAKA UNO KA NA BA?
Yup. First time, sa PE!

.:. NAGKA-3?
Yup. Sa Math 11 yata. Hindi kasi ako pinakopya ng seatmate ko.

.:. HIGHEST GRADE:
Uno!

.:. LOWEST:
Tres! Pero justified ako kasi bobo talaga ako sa Math.

.:. WORST EXPERIENCE SA UP:
Pinerahan kami nung isang teacher namin. Mahirap na talaga ang buhay. Atsaka... yung isang teacher namin nagturo sa amin sa klase pero naka-gym clothes (mid-rib sando, and short shorts), ampangit eh. Minsan napapanaginipan ko pa.

.:. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
Siyempre, masarap yata tumamabay in between classes.

.:. ANO'NG ORG MO?
UP Sihay, UP Fencing, UP Pahinungod.

.:. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
Wala, ayoko mandaya sa STFAP, hehe. Tatlo TV namin sa bahay eh.

.:. PINANGARAP MO BANG MAG-CUM LAUDE?
Hindi. Pero napa-asa ako at one point. Hehe.

.:. KELAN KA NAGTAPOS?
1996

.:. FAVE PROF (s):
Dr. Tayag, DocRey, and Prof. Castillo (SocSci/PolSci). Prof. Gavino (Humanities). Prof. Lozada (Psych).

.:. WORST TEACHER (s):
Rivera. Sevilla. Tsaka si Polsci's car.

.:. FAVE SUBJECT (s):
Humanities. Psychology. Political Theory.

.:. WORST SUBJECT (s):
Economics. Statistics. PI 100.

.:. FAVE LANDMARK:
Canteen ni Mang Gerry (+)

.:. BUILDING:
CAS siyempre.

.:. PABORITONG KAINAN:
Gary's.

.:. NOONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
P0.75

.:. LAGI KA BA SA LIB?
Hindi noh. May barbarian nun sa lib namin eh.

.:. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA?
Hindi. PGH ang clinic namin, anlayo hehehe.

.:. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
Si Edwin at si Itos.

.:. BF/GF?
Wala. Busy ako nun sa pag-aaral. Naks!

.:. MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD?
MBA ako (kung matatapos ko thesis ko).

.:. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
Foundations for Physical Fitness. Volleyball. Fencing. Advanced Fencing.

.:. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
Ayun, tight pa rin kami.

.:. NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA UP?
Yung graduation ko napanood ko.

.:. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?
Oo noh. With matching suntok-suntok sa langit.

.:. MEMBER KA BA NG UP VARSITY TEAM?
UP Manila Fencing Team. Kung counted yun.

.:. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
Op kors. Matalas mata ko.

.:. ANO'NG AYAW MO SA FINALS WEEK?
Exams. Kung pwede lang sana na laging exempted.

.:. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
Red Horse, oo.

.:. ANO'NG GUSTO MO SA UP?
Malayang pakikipagtalastasan. Malawak na pag-iisip. Buhay na damdamin. Kaluluwang makamasa.

.:. ANO'NG AYAW MO?
Tila nawawala na ang puso ng UP para sa pagsasaliksik ng mataas na kaalaman at katotohanan. Nagmimistula na lamang business venture ang pagpapatakbo ng unibersidad, marahil sanhi na rin ng karampot na suporta ng gobyerno. Nakakalungkot.

.:. MAGANDA BA ID PIC MO?
Maganda na rin. Buti na lang maganda ako.

.:. MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS?
Hindi nagsusuot ng ID habang nasa loob ng AS. No ID, No Entry eh.

:D

About This Weblog

    Previously, a blog about how life has treated us after our last duel on the piste. Now, unmasked, we reveal ourselves as political scientists first, fencers second.

    Our country is the Philippines - where the University that brought us together stands. Though we'd rather pretend that eveything is fine, it is not.

    We've laid down our swords and sharpened our words. Now we raise our mightier pens and say: en garde.

    For Pinas. Our guts, your glory.
Powered by Blogger
and Blogger Templates