« Home | Dare I Hope? » | Sundalo » | A Mother's Dilemma » | Balik-bayan? » | Are You Ready? » | What Will Make Meeya Not Return to the Philippines » | In the News - 'Diliman Republic' » | Holding Out for a Hero » | Two Decades On » | Party Poopers » 

Friday, October 26, 2007 

Pacquiao, A National Hero?...Why Not?

by kpj



(first published in Mang Oca's Razor, 7 Oct 2007)

Woohoo!!! Nanalo na naman si Pacquiao! Alam ko mababaw pero nung tinanong ko yang title na yan sa sarili ko, bakit nga naman hindi? Alam ko rin nadagdagan na naman milyones niya, pero ano ngayon? Wala naman akong pakelam sa pera niya eh, pinaghirapan niya yun. Nagkandabasag-basag ang panga at ilong niya para kumita ng ganon. Pano ka di hahanga sa tao na ’to, lagi niyang hinahangad manalo dahil alam niya dadagdag yun sa ikatataba ng pusong Pinoy. Ewan kung press release yung sinasabi niya, pero tingin ko hindi. Napaka-simpleng tao nito eh. Bakas talaga sa mukha niya na gusto niyang manalo dahil gusto niyang may maipagmalaki ang Pilipino. Alam niya, madalas tayo daragin ng ibang bansa, eh mano man lang makilala tayo sa larangan ng palakasan? At bawat tapos ng laban, kita mo kung Sino ang una niyang pinasasalamatan di ba? Kaya ganon na lang ang paghanga sa kanya ng Pinoy eh. Subukan mo maglakad sa mga kalye, sa Maynila halimbawa, itaon mo na may laban si Pacquiao. Tingnan mo kung may masasakyan kang jeep o tricycle. Walang pinipili yan ha? Mapa-babae o lalaki, matanda man o bata, nakatutok yan sa TV. Wag mo na ring balaking bumili sa tindahan, istorbo ka lang eh, baka mamura ka pa ng tindera. Ayaw ka maniwala? Hintayin mo yung susunod na laban ni Pacquiao. Tapos, ipagtanong mo na rin kung bakit namatay si FPJ (sumalangit nawa).

Sana lang magkaroon siya ng mga matitinong tagapayo. Hindi yung mga tipong hihimok sa kanyang tumakbo sa pulitika. Sumemplang siya don eh. Maraming paraan para makatulong sa mga kababayan mo, di mo kailangang makidawdaw sa napaka-salimuot na mundo ng pulitika. Ipaubaya mo na lang yan dun sa mga taong katulad nung mandurugas na nakaupo sa Malacañang. Sori p’re, di ka talaga nababagay sa mundong ‘yan, lalo na kung nasanay kang lumalaban ng patas.


Sa mga eskaparate sa karamihan ng pampublikong paaralan, kadalasan naka-display ang mga litrato ng mga bayaning Pilipino. Siguro naman, di na nakapagtataka kung balang araw eh itabi dun ang litrato ni Pacquiao, katabi ng litrato ng mga OFW. Siguro naman wala nang kokontra.

About This Weblog

    Previously, a blog about how life has treated us after our last duel on the piste. Now, unmasked, we reveal ourselves as political scientists first, fencers second.

    Our country is the Philippines - where the University that brought us together stands. Though we'd rather pretend that eveything is fine, it is not.

    We've laid down our swords and sharpened our words. Now we raise our mightier pens and say: en garde.

    For Pinas. Our guts, your glory.
Powered by Blogger
and Blogger Templates