« Home | Pacquiao, A National Hero?...Why Not? » | Dare I Hope? » | Sundalo » | A Mother's Dilemma » | Balik-bayan? » | Are You Ready? » | What Will Make Meeya Not Return to the Philippines » | In the News - 'Diliman Republic' » | Holding Out for a Hero » | Two Decades On » 

Friday, October 26, 2007 

Glorietta Bombing...Again

by kpj



(first published in Mang Oca's Razor, 19 Oct 2007)

Kawawa naman ang mga kababayan ko. Kinaplog na naman ng mga terorista. Di ko masabi kung napigilan sanang nangyari ‘to, o wala talagang kawalan. Kasi sabi nung isang report, isang delivery van daw ang nagpasok ng bomba kaya ang direksyon ng pagsabog, mula baba pataas, dahil galing siguro sa basement yung bomba. Kaso pwede rin namang isa-isang pinuslit yung components ng bomba. Eh susko, ang dali-dali gawin yun.

Ilang beses na ba akong dumadaan sa mall security na di man lang binubuklat ang bag ko? Como ba nakabihis ka ng maayos at babae ka, di ka na dapat kapkapan? Yung minsan naman na nabubuklat ang bag ko, ni hindi man lang sipatin ng maayos ang laman, pinapakayod-kayod lang nung guard yung stick na hawak niya, eh akala mo naman may mata yung stick na pwedeng tumingin para sa kanya!

Kung gusto mo naman, itaas pa natin, kung sana di na lang outsourced ang security ng malls sa security agencies. Kung in-house staff na lang at pinapasahod ng maayos, eh di mas may malasakit sila para mag-inspect ng maayos? Kaya? Di mo rin talaga masabi eh. Kasi, kung di man nangyari sa Glorietta yan, pwede rin naman sa Podium o sa Megamall dahil major business district din naman ang Ortigas.

Bottomline, gago yung mga gumawa nun. Kahit sino pa sila, mereseng mga destabilizers ni Gloria, o mga abu sayad (oo, sinadya kong wrong spelling yan dahil malaki sayad nung mga yun sa utak!) Sana sila na lang yung sumabog.

About This Weblog

    Previously, a blog about how life has treated us after our last duel on the piste. Now, unmasked, we reveal ourselves as political scientists first, fencers second.

    Our country is the Philippines - where the University that brought us together stands. Though we'd rather pretend that eveything is fine, it is not.

    We've laid down our swords and sharpened our words. Now we raise our mightier pens and say: en garde.

    For Pinas. Our guts, your glory.
Powered by Blogger
and Blogger Templates