Success
by Dyes
pano mo nga ba masasabi na ang isang tao ay successful?
si rose (di tunay na pangalan) ay nagulat nang makita nya na ang kanyang sahod mula sa bagong trabaho ay kalahati lamang ng sinasahod nya sa hotel na kanyang pinagta-trabahuhan dati. Almost 30K ata ang take-home pay sa hotel.
si ellen (di tunay na pangalan) naman ay nagdidildil sa isang maliit na law firm na mababa ring magpasahod. ilang beses na syang pinangakuan na magtataas ang profit-sharing, pero ang pangakong iyon ay sadya nga yatang pinapako. kahit anong sabihin ng mga kaibigan na umalis na sa trabaho, hindi pa rin iniinda ni ellen sapagkat ang experience na mararanasan nya raw sa firm na ito ay hindi matatawaran.
si sheryl (di tunay na pangalan) ay di nagtapos sa mga pretigious schools tulad ng up, la salle at ateneo. pero sa edad na late twenties, kumikita sya ng halos P50K/month bukod sa mga benefits na kanyang natatanggap. sya ay matatawag mong credit-grabber, pero dahil sa napaka friendly nya pag kaharap mo, hindi mo maiisip na magalit sa kanya dahil wala namang matibay na ebidensya na sya nga ay masama, bukod pa sa dami ng mga taong makakaaway mo dahil sya ay kaibigan nya. at malay ba natin kung naunahan ka na nyang siraan sa mga ibang tao.
so, ano nga ba ang measurement ng success?
sa laki ba ng tseke na natatanggap mo kada buwan?
sa pagsasakatuparan ng pangarap mong maging isang professional kahit na maliit ang sahod at naghihirap na mamasahe?
o sa malugod na pagtanggap ng sariling pagkatao at pagiging masaya sa sarili?
personally, i left a powerful, glamorous, and materially-rewarding job in the private sector to be a plain, dumpy, stay-at-home mom. yet, i couldn't be any happier. go figure :D
tingin ko, depende sa goal sa buhay ng tao yan eh, at kung saan siya nakakakuha ng sense of pride. ang sa akin, basta hindi nakakasakit sa kapwa at sa kapaligiran, kahit anong trabaho pa yan, nagdudulot iyan ng tagumpay :)
Posted by MrsPartyGirl | 1:16 PM
i agree.
Posted by LotusTorch | 12:50 AM
agree ako jan.
though sometimes, i admit that it lowers my morale to see someone who doesnt know how to put two words together get a higher pay and all the credit for someone else's accomplishments.
Posted by Dyes | 4:23 AM
dyes, isipin mo na lang, mas maganda, mas matalino, at mas marami kang totoong kaibigan kaysa sa kanya. :)
Posted by MrsPartyGirl | 6:36 PM